Naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang nasa 8,361 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Dahil dito, nasa 126,227 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 habang 312 ang nadagdag sa mga pumanaw at 18,431 ang nadagdag rin sa mga gumaling.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa mga gumaling at nasawi sa bansa, nasa 3,428,815 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober at 54,526 ang mga namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 4, 2022 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.02% sa lahat ng samples na nasuri at 0.01% sa lahat ng positibong mga indibidwal.