Mga kabataang edad 12-17 na fully vaccinated na kontra COVID-19, higit 60% na – NVOC

Nasa higit 60 porsyento na ng mga kabataang edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon kay National Vaccines Operation Center (NVOC) head at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, maganda ang resulta ng vaccine rollout kung 8.8 million na mula sa 11.4 million kabataan ang nabigyan ng first dose.

Pero ayon kay Cabotaje, mababa o nasa 23 percent pa lamang na mga kabataang may comorbidity ang bakunado kontra sa COVID-19.


Ipinaliwanag ni Cabotaje na maaaring may agam-agam pa ang ilang magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Samantala, wala pa naang pag-aaral sa ngayon na nagrerekomendang bigyan ng booster shots ang mga nasa nabanggit na age group.

Facebook Comments