DOH, nakapagtala ng higit 900 na panibagong kaso ng COVID-19 kahapon

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 943 na panibagong kaso ng COVID-19 kahapon, na pinakamababa simula noong Hulyo.

Dahil dito, umakyat na sa 3,996,818 ang kabuuang kaso ng virus sa bansa kung saan 21,924 dito ay ang aktibong kaso na pinakamababa rin simula noong Hulyo 20.

Habang umabot na rin sa 3,911,048 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.


Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng 32 nasawi dahil sa virus kung kaya’t umakyat na sa 63,846 ang COVID-19 death toll sa bansa.

Facebook Comments