Tourist arrival sa bansa ngayong taon, pumalo na sa halos dalawang milyon

Pumalo na sa 1,827,603 ang tourist arrivals ng bansa mula Enero 2022 hanggang kahapon, October 25, 2022.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa projected tourist arrival na nasa 1.7 million lamang.

Aminado ang Department of Tourism (DOT), unti-unti nang sumisigla ang industriya ng turismo ng Pilipinas at malaki na rin ang naitutulong nito para magkaroon ng dagdag na trabaho.


Inaasahan naman ng kagawaran na mas dadami pa ang mga turista na magtutungo sa bansa sa bagong polisiya ng pamahalaan na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor area.

Facebook Comments