DOH, nakapagtala ng higit 9,000 nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa

92

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 9,000 bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa ngayong araw.

Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 9,062 na new recoveries mula sa COVID-19 ang kanilang naitala habang mayroong 1,768 na bagong kaso ng virus.

Sa kabuuan, umaabot na sa 439,834 ang bilang ng kaso ng COVID-19, habang pumalo sa 408,634 ang bilang ng mga nakarekober..


Nasa 29 naman na ang nadagdag sa bilang ng nasawi at dahil dito, umaabot na sa 8,554 ang kabuuang bilang mg mga namatay dahil sa COVID-19.

Umaabot na rin sa 23,881 ang kabuuang bilang ng mga sumailalim sa pagsusuri mula alas-12:00 ng tanghali kahapon hanggang ngayong aras at sa bilang na ito, nasa 1,100 ang nagpositibo.

Facebook Comments