Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng pagkasawi dahil sa 2019 novel coronavirus sa Pilipinas.
Ito ay ang 44-anyos na lalaking Chinese na siya ring ikalawang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – nagkaroon ng severe pneumonia ang pasyente at nasawi.
Pero paglilinaw ni World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe, hindi nahawaan ang lalaki kundi na-develop lamang ang kanyang sakit pagdating sa Pilipinas.
Kapwa galing sa Wuhan City, China ang lalaking Chinese at ang 38-anyos na babaeng Chinese na unang nagpositibo sa sakit.
Samantala, sa 36 na itinuturing na ‘persons under investigation’ 20 ang nagnegatibo sa nCoV, dalawa ang nagpositibo kabilang ang nasawi at 10 ang na-discharge.