Lalaki, Sugatan Matapos Mabangga ng Motorsiklo!

114

Cauayan City, Isabela- Isinugod sa pagamutan ang isang lalaki matapos mabangga ng motorsiklo kagabi habang ito’y patawid sa kalsada sa Brgy. Villanueva, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jose Padilla, 47 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Villanueva, San Manuel, Isabela.


Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, habang patawid sa kalsada ang biktima ay biglang nabangga ng paparating na motorsiklo na minamaneho ng hindi pa matukoy na suspek.

Agad na dinala sa ospital ang biktima para sa kaukulang lunas matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan habang ang suspek ay tumakas matapos ang insidente.

Nakipag ugnayan na ang himpilan ng pulisya sa mga karatig na himpilan para sa ikakahuli ng suspek.

Facebook Comments