DOH, nakapagtala ng mababang bilang ng COVID-19 recoveries ngayong araw

Nakapagtala lamang ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 130 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

1,266 naman ang bagong kaso habang 68 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, ang total COVID-19 cases na sa bansa ay 530,118 at ang aktibong kaso ay 31,455 o 5.9%.


487,721 o 92.0% naman ang total recoveries habang ang total deaths ay 10,942 o 2.06%.

Ang mild cases naman ay 88.8%, ang asymptomatic ay 5.8%, ang critical cases ay 2.5% habang ang severe cases ay 2.4% at 0.53% naman ang moderate.

Samantala, nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) na 25 overseas Filipinos na panibagong tinamaan ng COVID-19.

10 naman ang bagong gumaling at 2 ang bagong binawian ng buhay.

Ang total COVID-19 cases na sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 14,041 habang ang aktibong kaso ay 4,123.

8,964 naman ang total recoveries at 954 ang total fatalities.

Facebook Comments