DOH, nakapagtala ng mahigit 1,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Pumalo sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ipinalabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), 1,047 ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 480,737.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa Davao City, sumunod ang Quezon City, Laguna, Bulacan at Cagayan de Oro.


22,690 o 4.7% naman ang mga aktibong kaso.

339 ang bilang ng mga bagong gumaling sa virus kaya ang kabuuang recoveries na ay 448,700 o 93.3%.

26 naman ang bilang ng bagong nasawi kaya umabot na sa 9,347 o 1.94% ang total deaths na dulot ng pandemya.

Facebook Comments