DOH, nakapagtala ng mahigit 2,000 bagong kaso ng COVID sa bansa

28

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health ng 2,651 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

561 naman ang bagong gumaling at 46 ang bagong binawian ng buhay.


Umaabot na ngayon sa 571,327 ang total COVID cases sa bansa habang ang total recoveries ay 524,582.

Ang aktibong kaso naman ay tumaas pa sa 34,498, habang ang total deaths naman ay 12,247.

Samantala, 5 Pinoy sa abroad ang bagong tinamaan ng COVID-19.

Wala naman naitala ang Department of Foreign Affairs na bagong Pinoy na gumaling sa nasabing sakit at wala ring Pinoy na bagong binawian ng buhay.



Umaabot na ngayon sa 14,878 na mga Pinoy sa abroad ang tinamaan ng COVID.


Sa nasabing bilang, 4,496 pa ang patuloy na nagpapagaling.

9,366 naman ang mga gumaling na habang 1,016 ang mga binawian ng buhay.

Facebook Comments