Mga electric cooperatives, hinihimok na makibahagi sa vaccination rollout ng pamahalaan

35

Hinikayat ng power bloc sa Kamara ang mga electric cooperatives sa bansa na tumulong at makibahagi sa vaccine rollout plan ng pamahalaan.

Iminungkahi ni APEC Partylist Rep. Sergio Dagooc na gamitin ang compounds ng mga electric cooperatives bilang vaccination sites.


Sa ganitong paraan aniya ay tiyak na maaabot maging ang mga residenteng nakatira sa mga liblib na parte ng bansa na pinapailawan ng mga kooperatiba.

Bukod dito, handa rin makipag-ugnayan ang mga kooperatiba sa iba’t ibang local government unit upang umalalay.

Nagpahayag din ang kongresista na sa 121 na electric cooperatives na kanilang nirere-presenta, handang ipagamit ang kanilang compound bilang alternatibo o karagdagang vaccination sites.

Facebook Comments