DOH, nakapagtala ng mahigit 3,000 na bagong COVID-19 cases sa bansa

45

3,139 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, ang total cases na ay 351 ,750.

Sa nasabing bilang, ang active cases ay 50,354.

786 naman ang bagong gumaling sa bansa sa COVID-19 kaya ang total recoveries na ay 294,865.

34 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 6,531.

Samantala, walang naitala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipino sa abroad na namatay sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 811.




4 lamang din ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.

Ang total cases na ngayon ay 11,145 kung saan ang active cases ay 3,150.

9 naman ang naka-recover kaya ang total recoveries na ay 7,184.

Facebook Comments