DOH, nakapagtala ng panibagong 210 kaso ng COVID-19 noong Sabado

Umakyat na sa 3,684,300 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 210 bagong kaso kahapon, April 23 ayon sa Department of Health (DOH).

Sa naturang bilang, 14,696 dito ay aktibong kaso, mas mababa sa 15,782 active cases ng sakit na nataila noong Biyernes.

Kaugnay nito, nasa 3,609,425 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 recoveries habang nasa 60, 179 naman ang total COVID-19 deaths.


Bahagya namang bumaba ang bed occupancy rate sa bansa na mula sa 16.7% ay naging 16.5% o katumbas ng 5,304 kama na okupado habang 26,833 ang bakante.

Ayon sa DOH, nasa 21,140 indibidwal ang sumailalim sa COVID-19 test noong Biyernes habang 312 na COVID-19 laboratories ang nakapagsumite ng datos.

Facebook Comments