Mahigit 300 libong pisong halaga ng pekeng insecticide mula China, nasabat sa Batangas at Laguna

Nakumpiska ng National Bureau of Investigation ang aabot sa 2,000 piraso ng pekeng Chinese insecticide o katumbas ng 350,000 pesos sa Batangas at Laguna.

Ayon sa NBI, mas tinatangkilik ang mga naturang insecticide dahil ito ay mas mura ng halos kalahati ng presyo ng orihinal na produkto.

Sa kabila, posible itong magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito dahil hindi mapapatunayan kung ito ay epektibo at kung pasok ba sa pamantayan ang antas ng kemikal na ginamit sa naturang produkto.


Hihingi pa ng permiso ang NBI sa korte upang sirain ang mga nakumpiskang insecticide upang hindi ito ng magdala ng pangamba sa mga parokyano nito.

Wala namang suspek ang naaresto sa naturang operasyon.

Facebook Comments