DOH, nakapagtala ngayong araw ng mahigit 100 binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19

81

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng 132 na binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Bunga nito, ang total deaths na sa bansa ay 6,915.


1,923 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 365,799.

Ang active cases naman ay 46,193.

424 naman ang bagong recoveries kaya ang kabuuang gumaling na sa bansa sa COVID-19 ay 312,691.

Ang mild cases naman sa bansa ay 83.6%, ang asymptomatic ay 11.3% habang ang severe cases ay 1.8% at ang critical cases ay 3.2%.




Sa kabuuan, mahigit 4.2 individuals na rin ang naisailalim ng DOH sa COVID-19 test sa bansa.

Facebook Comments