Nakikipag-ugnayan na ang Dept. of Health (DOH) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministry of Health matapos umakyat na sa walo ang tinamaan ng Polio.
Ang panibagong kaso ay naitala sa basilan kung saan ang siyam na taong gulang na bata ay hindi nabakunahan.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, pinalalawak na nila ang Immunization Coverage at pinaiigting ang Polio Vaccination efforts sa Basilan.
Kasabay nito, ikinatuwa ni Duque ang pagdagsa ng mga magulang para pabakunahan ang kanilang mga anak kasabay ng paglulunsad ng ikalawang bugso ng sabayang patak kontra Polio.
Tiniyak naman ng kalihim na nananatiling sapat ang supply ng Polio Vaccine.
Magtatagal ang ikalawang round ng Patak Kontra Polio hanggang December 7.
Sa datos ng DOH, aabot sa 1.2 Million ang bilang ng nagpabakuna sa Metro Manila habang nasa 5.2 Million naman sa Mindanao.