DOH, nakikipag-ugnayan na sa dalawang monkeypox vaccine manufacturers

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa dalawang monkeypox vaccine manufacturers.

Ito ay kinumpirma ni DOH Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung saan sinabi nito na isa sa mga bakuna ay hindi maaaring iturok sa mga may comorbidity.

Habang, ang isa namang bakuna ay mas mahal o nagkakahalaga ng 210 dollars ang kada dose nito.


Pero aniya sa unang quarter pa ng susunod na taon maaaring simulang i-deliver sa bansa.

Inihayag din ni Vergeire na tinitimbang pa nila kung may pangangailangan ba ang bansa na bumili ng mga bakuna.

Nabatid na nakapagtala na ang bansa ng apat na kaso ng monkeypox virus.

Facebook Comments