Online scheduling system para sa visa applications, inilunsad ng Korean Embassy

52
Photo Courtesy: Embassy of the Republic of Korea in the Philippines

Inilunsad ng Korean embassy sa Pilipinas ang isang online system para makakuha ng schedule ng appointment upang makakuha ng visa.

Batay sa kanilang anunsyo sa Facebook, kinakailangan munang gumawa ng appointment ang isang indibidwal at makatanggap ng kumpirmasyon bago personal na magtungo onsite upang mag-apply ng visa.

Simula rin bukas, September 15 ay hindi tatanggap ang embaha ng walk-ins para sa naturang aplikasyon.


Dagdag pa rito, kailangan munang maaprubahan ang iyong visa bago mag-book ng flight dahil aabutin ng five working days ang pagproseso para rito.

Nakatakda namang buksan ang online system ngayong alas-2:00 ng hapon.

Facebook Comments