DOH, nakikipag-ugnayan na sa IHR at WHO kaugnay sa bagong COVID-19 Delta subvariant

Kinalma ng pamahalaan ang publiko kaugnay sa bagong COVID-19 Delta subvariant na na-detect sa United Kingdom at Israel.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na nakikipag-ugnayan na sila International Health Regulations (IHR) at World Health Organization (WHO) kaugnay sa natuklasang “A-Y 4.2 Delta subvariant” na sinasabing 15-percent na mas mabilis makahawa kumpara sa Delta variant.

Ayon kay Duque, walang dapat ipangamba ang publiko dahil isa pa lang itong variant of concern kung saan wala pa siyang nakikitang dahilan para muling maghigpit sa mga papasok ng bansa na galing sa UK at Israel.


Samantala, maging si National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa ay sinabing hindi dapat mag-panic ang publiko sa bagong Delta subvariant lalo na’t mataas na ang vaccination rate sa bansa.

Facebook Comments