DOH, nakikipagpulong na sa mga local official sa buong bansa para matiyak na magiging matagumpay ang National Vaccination Days

Muling nakiusap ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag maging “choosy” sa brand ng COVID-19 vaccine.

Ang panawagan ay kasunod ng ulat na nasa higit 37,000 bakuna ng Sinovac sa Quezon Province ang pinangangambahang maburo na lang dahil ayaw ng mga residente nitong maturukan ng nasabing Chinese-made vaccine.

Giit ni Health Secretary Francisco Duque III, walang batayan ang pagdududa ng mga tao sa mga bakuna dahil lahat naman ng ginagamit sa bansa ay ligtas at epektibo.


Samantala, bilang bahagi ng paghahanda sa National Vaccination Day, pinupulong na ng DOH ang mga local officials sa buong bansa para tulungan silang ipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna.

Sa pamamagitan nito, umaasa si Duque na maliliwanagan ang mga tao at hindi sila magiging mapili sa brand ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments