Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga Local Government Unit (LGU) na iprayoridad ang pagsasagawa ng Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) sa harap ng bansa ng pandemya.
Ayon kay Health Secretary Francsico Duque III, nais nilang matiyak na kapag nasimulan na ang rollout ng bakuna laban sa COVID-19 ay hindi magkakaroon ng outbreak ng tigdas at polio.
Nakiusap sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na hikayatin ang mga regional director nito at mga local chief executive na iprayoridad ang immunization program sa kanilang nasasakupan.
Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 3.7 million na bata ang nabakunahan na laban sa measles at rubella habang nasa 3.4 million naman laban sa polio.
Aabot pa sa 1.3 million na bata ang target pang mabakunahan laban sa measles-rubella habang 1.2 million para sa oral polio vaccine.