DOH, nakukulangan sa contact tracing efforts ng mga LGU

Aminado ang Department of Health (DOH) na kailangan pa ring pagbutihin ng mga Local Government Unit (LGU) ang kanilang contact tracing.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagbibigay lamang ang kagawaran ng guidelines at standards para sa contact tracing at ang LGUs ang inatasan na magpatupad nito.

Giit pa ni Vergeire, 37 na indibidwal ang dapat na ma-contact kada pasyenteng positibo sa COVID-19.


Kailangang din aniyang ipagpatuloy ang contact tracing kahit hindi pa lumalabas ang resulta ng COVID-19 test sa mga pasyenteng itinuturing na probable at suspected cases.

Base sa tala ng pamahalaan, nasa 149,000 na ang mga contact tracer sa bansa kung saan nasa 400,000 close contacts ng COVID-19 patients ang nahanap.

Una nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na target nilang mag-hire ng contact tracers ngayong buwan sakaling mailabas na ang karagdagang ₱5 bilyon na pondo mula sa Bayanihan to Recover as One Act.

Facebook Comments