Patuloy na nakatutok ang Department of Health (DOH) sa mga nagsusulputang subvariant ng COVID-19.
Partikular ang iba’t ibang naglalabasang subvariant ng Omicron.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mahalagang bigyan ng pansin ang kahit na anong variant.
Bunga nito, patuloy ang pagsusuri ng mga eksperto sa mga sample na nakukuha sa mga bagong kaso ng COVID-19.
Ang pahayag ng DOH ay sa kabila ng kumpirmasyon na mahina ang subvariant ng Omicron at karamihan sa mga tinatamaan nito ay pawang asymptomatic at mild cases lamang.
Facebook Comments