Manila, Philippines – Nagkakaisa ang medical community at lahat ng health workers sa buong bansa sa panawagan na matuldukan na ang mga pagpaslang sa mga health personnel lalong – lalo na ‘yung mga sa mga liblib na lugar.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, kasunod ng pananambang kay Dr. Vicente Soco noong nakaraang linggo sa Dinagat Island, nananawagan sila sa mga pulis at Justice system ng bansa na papanagutin ang mga nasalikod nito, at nang iba pang mga kaso ng pagpatay sa mga health workers na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nakakamtang hustisa.
Nananawagan rin ang DOH sa gobyrerno na tiyakin ang seguridad ng mga health workers sa mga liblib na lugar, lalo’t sila ang nagsisilbing mga frontliners.
Matatandaang una nang napabalita ang pagpaslang kina Dr. Dreyfuss Perlas ng Lanao del Norte, Dr. Jaja Sinolinding ng Cotabato at Dr. George Repique ng Cavite.
Si Dr. Vicente Soco, ang pang anim na health worker, ngayong taon ang pinaslang, ng hindi pa nakikilalang mga suspect.