Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa lahat ng mga tatakbo sa 2022 national elections na mahigpit na sundin ang ipinapatupad na health and safety protocols sa mga election-related events.
Ayon kay Health Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, responsibilidad ng mga kandidato na tiyaking hindi pagmumulan ng pagkakahawaan ng COVID-19 kanilang mga aktibidad. .
Giit ni Vergeire, hindi pa rin nawawala ang virus at ito ay nasa paligid lamang.
Dagdag pa nito, dapat din magtulungan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan para maging maayos ang proseso ng pangangampanya.
Facebook Comments