Ilang personalidad at incumbent senators, pasok sa ‘Magic 12’ ng SWS senatorial candidate survey

1464

Pasok ang ilang personalidad at incumbent senators sa “Magic 12” sa pinakabagong senatorial candidate survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nangunguna sa survey ang broadcast journalist na si Raffy Tulfo na nakakuha ang 57% at sinundan nina Sorsogon Governor Chiz Escudero, House Deputy Speaker Loren Legarda at dating Public Works and Highways Chief Mark Villar na pare-parehong nakakuha ng 41%.

Nasa ika-limang pwesto naman si Taguig Representative Alan Peter Cayetano na may 38% habang nasa ika-anim na pwesto si Senate Majority Leader Miguel Zubiri na may 34%.


Humabol din sa survey sina dating Senator Jinggoy Estrada, Senator Kiko Pangilinan, Willie Revillame, Senator Risa Hontiveros, Senator Sherwin Gatchalian at Senator Richard Gordon

Facebook Comments