DOH, nanawagan sa publiko na maging sensitibo sa pagtalakay sa isyu ng depresyon

Manila, Philippines – Kasunod nang naging kontrobersiya na kinasangkutan ng isang komedyante kaugnay sa depresyon, nagpaalala ngayon ng Department of Health (DOH) na maging sensitibo sa pagtalakay nito.

Ayon sa ahensya, seryosong usapin ang depresyon dahil isa itong mental illness at hindi dapat balewalain.

Hindi rin anila ito gawa-gawa lamang, dahil mayroong scientific basis para malaman kung nagtataglay nito ang isang tao.


Mahalaga anila na kausapin ang isang indibidwal na nakararanas nito o nagsasabing pakiramdam nito ay nagiisa lamang siya, dahil ito ang pinakamabisang tulong na maibibigay sa taong nakakaranas ng depresyon.

Muli namang nagpaalala ang ahensya na tumawag sa kanilang HOPE line sa 804 – 4673, kung saan mismong mga eksperto sa depresyon ang magbibigay sakanila ng tulong.

Facebook Comments