Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging tapat at totoo sa pag-fill out ng contact tracing forms.
Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 34,073 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 9,182 ang gumaling at 1,224 ang namatay.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, Director ng Health Promotion and Communication Service, mahalagang tamang impormasyon ang inilalagay sa mga form lalo na sa kanilang contact information.
Ang mga rehiyong may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19 ay National Capital Region (NCR) na may 9,921 cases, sinundan ito ng Region 7 (5,902 cases), Region 4-A (1,092 cases), Region 3 (413 cases), at Region 8 (274 cases).
Ang 1,178 active cases ay binubuo ng repatriates.
Facebook Comments