DOH, nanindigan na walang cholera outbreak sa bansa; kaso ng cholera at leptospirosis, tumaas ngayong taon!

Muling nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi magdedeklara ng cholera outbreak sa bansa.

Ito ay kahit tumaas ng halos 300 percent ang kaso ng cholera ngayong taon.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang lokal na pamahalaan na nagdeklara ng cholera outbreak sa kanilang nasasakupan dahil nananatiling manageable ang kaso ng nasabing sakit.


Kasunod nito, tiniyak ni Vergeire na tuluy-tuloy ang ugnayan nila sa mga ospital para tutukan at gamutin ang mga pasyenteng tinamaan ng cholera.

Samantala, tumaas naman ng 84 percent ang kaso ng leptospirosis sa bansa.

Ayon sa DOH, sumipa sa mahigit 3,000 ang kaso ng naturang sakit ngayong taon, kumpara sa 1,784 noong nakaraang taon.

Nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng leptospirosis ang Metro Manila na nasa 725; sinundan ng Western Visayas na 402 at Cagayan Valley na 344.

Facebook Comments