Pope Francis, handa nang magbitiw sa pwesto sakaling tuluyang humina ang kalusugan

Inihayag ni Pope Francis na handa na siyang magbitiw sa pwesto sakaling tuluyang lumala ang kaniyang sakit at hindi na magampanan ang kaniyang tungkulin.

Ayon kay Pope Francis, pinirmahan na niya ang kaniyang resignation letter at ibinigay ito sa Vatican Secretary of State na si Cardinal Tarcisio Bertone.

Sinabi pa ni Pope Francis na gumawa na rin siya ng renunciation sakaling magkaroon siya ng permanenteng sakit at mabaldado.


Matatandaang, naging Santo Papa si Pope Francis noong March 13, 2013 matapos magbitiw si Pope Benedicto XVI noong February 28, 2013.

Facebook Comments