DOH, nanindigan sa kahalagahan ng pagsusuot ng face shield laban sa COVID-19

Nanindigan ang Department of Health (DOH) sa karagdagang proteksyon na naibibigay ng pagsusuot ng face shield laban sa COVID-19.

Una rito, may ilang mungkahi na alisin na ang face shield sa ipinatutupad na health protocol dito sa bansa.

Ayon sa Medical Anthropologist na si Dr. Gideon Lasco, dapat itigil na sa bansa ang paggamit ng face shield na wala naman umanong ebidensya na epektibo at nagdudulot lang ng inconvenience sa may suot nito.


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maraming pag-aaral hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa hinggil sa proteksyong naibibigay ng pagsusuot ng face shield.

Kung sasamahan aniya ng face shield ang face mask ay makakapagbigay ito ng 95% proteksyon laban sa COVID-19

Ikinumpara pa ni Duque ang mga bansa na hindi gumagamit ng face shield gaya ng Estados Unidos at United Kingdom na may mataas na kaso ng COVID-19.

Giit pa ng kalihim, hindi lang naman ang Pilipinas ang bansa na gumagamit nito.

Facebook Comments