Hinimok ng Department of Health – National Capital Region o DOH-NCR ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang mga sanggol.
Ito’y kasunod ng ikakasa nilang Vax-Baby-Vax Intensified Routine Catch-up Immunization na gagawin mula Nobyembre 7 hanggang 18 ngayong taon.
Ayon sa DOH Metro Manila Center for Health Development, layon nito na mailayo ang mga sanggol sa mga sakit tulad ng rubella, polio, tigdas at iba pang vaccine preventable diseases.
Dagdag pa ng DOH-NCR, aabot sa 137, 048 na mga sanggol sa buong Kamaynilaan ang target nilang mabakunahan sa ilalim ng naturang programa.
Isasagawa ang nasabing bakunahan para sa mga sanggol sa lahat ng barangay, city at municipal health centers sa buong Metro Manila.
Facebook Comments