DOH-NCR, nababahala sa pagdagsa ng mga tao sa labas sa kabila ng MECQ

Aminado ang Department of Health (DOH) na malaking hamon para sa kanila ang pagdagsa ng mga tao sa labas sa nakalipas na weekend.

Sa ginanap na virtual hearing ng Committee on Metro Manila Development, sinabi ni DOH-NCR Director Corazon Flores na nababahala sila sa dami ng mga taong lumabas at pumunta ng malls nitong Sabado at Linggo kung saan nabalewala ang social distancing kahit pa nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong National Capital Region (NCR).

Dahil sa nangyari ay maaari aniyang bumilis ang transmission o pagkalat ng COVID-19 at tumaas pa ang kaso.


Tiniyak naman ni Flores na gumagawa na ng paraan ang DOH-NCR tulad ng agad na pagsasailalim sa test ng mga probable at suspected COVID-19 cases, pagpapalakas ng capacity testing, dagdag na swabbing area at treatment facilities sa Metro Manila at pagpapaigting ng contact tracing sa tulong na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Samantala, sinabi naman ni DOH Undersecretary Dr. Gerardo Bayugo na sa Metro Manila lamang ay umabot na sa 8,245 ang confirmed COVID-19 cases o katumbas ng 65% ng national cases ng may virus sa buong bansa.

Facebook Comments