Video conferencing sa mga pagdinig sa korte, sisimulan na

23

Binigyan na ng go signal ng Korte Suprema ang pagdadaos ng mga pagdinig sa ilang mga korte sa bansa.

Partikular na papayagan ng Supreme Court ang pilot testing ng mga hearing sa pamamagitan ng video conferencing.


Dahil nakasailalim pa rin sa iba’t ibang level ng community quarantine ang buong bansa sa nakalipas na halos dalawang buwan.

Nagdesisyon ang SC na pahintulutan na ang video conferencing sa mas marami pang mga korte.

Sa harap ito ng pagkaantala sa pagdinig sa mga nabinbin na mga kaso.

Partikular na gagawin ang video conferencing sa mga korte sa Region 1 hanggang Region 12.

Facebook Comments