Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang Local Government Units (LGUs) ang nangangasiwa sa pagkakaroon ng contact tracing team.
Kasunod ito ng mga ulat na may mga nagpapakilalang contact tracing team ng DOH na nagbabahay-bahay.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagbibigay lamang ng guidelines at standards ang DOH para sa contact tracing at ang LGUs ang siyang nagpapatupad nito.
Maliban dito, mayroon din aniyang health officials na sumasama sa binuong contact tracers ng LGUs tulad ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pa.
Paliwanag ni Vergeire, ang kanilang contact tracing team na kanilang binuo ay ang mga nag-iimbestiga ng mga kaso sa close institutions at hindi nagbahay-bahay.
Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 143,749 ang kaso ng COVID-19 sa bansa na may 72,348 na active cases.