DOH, nilinaw na hindi ipapatupad ang mandatory na pagsusuot ng face mask

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagdesisyon na ang Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag nang magpatupad ng mandatory na pagsusuot ng face mask.

Nilinaw rin ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na bagama’t tumataas ang kaso ng COVID-19 ngayon sa bansa, wala naman aniyang mga na-oospital na COVID patients.

Wala rin aniyang mga bagong pasyente na nalalagay na kritikal na kondisyon.


Bukod dito, nagiging consistent na rin aniya sa mga nakalipas na linggo na walang COVID patients ang namamatay.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na asahan na ng publiko ang pagbaba at pagtaas ng kaso ng infection dahil hindi naman aniya nawala ang COVID-19.

Ang nangyayari lamang ay nagkakaroon ng mutation ang virus at nagkakaroon ng bagong variants.

Facebook Comments