Dating BuCor Chief Gerald Bantag at kanyang Deputy na si Ricardo Zulueta, patuloy na tinutugis ng PNP

Hindi tumitigil ang Philippine National Police (PNP), sa pagtugis kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at sa Deputy nito na si Ricardo Zulueta.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief of Police Col. Red Maranan, hinahanap pa rin sa ngayon ng ipinakalat na tracker team ang lokasyon nina Bantag at Zulueta.

Maituturing na kasing pugante ang dalawa, makaraang maglabas ang korte ng warrant of arrest laban sa mga ito dahil sa kasong murder na may kaugnayan sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at ng sinasabing middleman sa kaso na si Jun Villamor.


Samantala, tiniyak pa ni Maranan na ginagawa na ng PNP ang lahat para maihain sa dalawa ang kanilang mandamyento de aresto.

Facebook Comments