DOH, nilinaw na hindi napabagal ng mga nagdaang bagyo ang operasyon ng COVID-19 laboratories

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi napabagal ng mga nagdaang bagyo ang operasyon ng COVID-19 laboratories.

Ito ang tiniyak ng kagawaran kahit nanalasa ang mga Bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses na nag-iwan ng matinding pinsala sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kahit hindi nakapagsumite ng resulta ang nasa 26 na laboratoryo noong kasagsagan ng Bagyong Rolly, agad naman silang nakabalik ng operasyon.


Aniya, walang nagbago sa trend at walang nangyaring pagtaas ng kaso.

Sinabi ni Vergeire na nasa 8 hanggang 10 laboratoryo ang hindi nakakapag-report sa kanila kada araw.

Sa Cagayan at Isabela, na nalubog sa matinding baha ay mayroon lamang isang COVID-19 testing laboratory.

Sa 150 testing laboratories sa bansa, 30 dito ang hindi pa nakapagsumite ng resulta noong November 14.

Facebook Comments