Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang inaaprubahang self-administered saliva test kits para mag-detect ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat hintayin ang magiging approval ng Food and Drug Administration (FDA) para dito.
Kahit aprubahan pa ito ng FDA, ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang magbibigay ng final approval bago talaga ito payagang gamitin.
Nabatid na naglabas ang DOH ng guidelines sa paggamit ng Saliva-based RT-CPR para sa COVID-19.
Tanging mga lisensyadong COVID-19 testing laboratories na sinertipikahan ng RITM ang papayagang magsagawa ng test gamit ang saliva specimen.
Facebook Comments