Isko, Bongbong o Pacquiao, presidential bets ni Pangulong Duterte – Roque

335

Tatlong prominenteng pangalan ang pipiliin ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na lider ng bansa sakaling hindi tumakbo sa 2022 presidential elections ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio o si Senator Bong Go.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang top 3 choice ni Pangulong Duterte ay si Manila Mayor Isko Moreno, dating Senador Bongbong Marcos o si Senator Manny Pacquiao.


Aniya, mas pipiliin ni Pangulong Duterte ang mga may mataas na numero.

Dagdag pa ni Roque, malaki ang hatak ni Pangulong Duterte kung sino ang ieendorso niya sa halalan dahil nananatiling mataas ang kanyang approval rating.

Hindi naman tiyak si Roque kung tatako pa sa iba pang posisyon ang Pangulo.

Una nang sinabi Mayor Sara na maaari siyang tumako sa pagkapangulo sa 2034 pero hindi sa 2022.



Facebook Comments