Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala silang in-order na antiviral drug na Remdesivir para gamitin sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang procurement ang DOH para sa Remdesivir dahil wala itong certificate of product registration (CPR).
Paninindigan ni Vergeire na sumusunod sila sa regulatory protocols.
Una nang itinanggi ng DOH na bumili sila ng ₱1 billion na halaga ng Remdesivir.
Plano lamang nila na bumili ng Remdesivir at iba pang investigational drugs, pero hindi natuloy ang procurement.
Sa kabila nito, may ilang ospital sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON ang nakakuha ng Compassionate Special Permits (CSP) kung saan pinapayagan ang pagbili ng investigational drugs kahit walang CPR o Emergency Use Authority (EUA).
Pagtitiyak ng DOH na ligtas gamitin ang COVID-19 investigational drugs.