DOH, nilinaw na walang kinalaman sa bakuna ang pagkamatay ng isang midwife sa Isabela

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang kinalaman sa anti-COVID-19 vaccine ang pagkamatay ng isang midwife sa Isabela.

Ang naturang midwife ay namatay sa COVID-19 dalawang linggo matapos siyang mabakunahan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas na rin ng official statement ang DOH-Cagayan Valley hinggil sa nasabing insidente at naninindigan sila na hindi sanhi ng bakuna ang pagkamatay ng nasabing medical frontliner.


Iginiit din ng DOH na matibay ang ebidensya na malaki ang naitutulong ng anti-COVID vaccine para maiwasan ang severe condition at pagkamatay ng isang COVID patient.

Nilinaw rin ng DOH na ang protection sa unang dose ng bakuna ay eepekto sa naturukan nito makalipas ang tatlong lingo.

Habang sa second dose ay maaari pa rin silang makahawa sa ibang tao kaya muli nilang pinapaalala na kahit nabakunahan na ang isang indibidwal ay ipagpatuloy pa rin ang pagsunod sa minimum public health protocols.

Nilinaw rin ng DOH na ang COVID-19 vaccine ay hindi nagdudulot ng infection.

Facebook Comments