Hindi pabor si Health Secretary Francisco Duque III sa “No Vaccination, No Work Policy” sa mga workplace.
Nauna rito, sinabi ni Associated Labor Unions (ALU) National Executive Vice President Gerard Seno na nakatatanggap sila ng reklamo ng mga manggagawa na hindi pinagre-report sa trabaho kung hindi makikibahagi sa company-sponsored COVID-19 vaccination activities.
May mga business owner ang nagbigay ng mahigpit na instructions sa kanilang mga supervisor at manager na ideklarang ‘unfit to work’ ang sinumang empleyado na ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Sa press conference sa East Avenue Medical Center, nilinaw ni Duque na walang ganitong panuntunan ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Bago aniya ipatupad ang ganitong polisiya ay kailangang sumailalim sa pag-aaral ng IATF.
Pero, kung siya ang tatanungin ay hindi niya ito papayagan.