DOH: Pagkakaroon ng “go bag” sa panahon ng kalamidad, importante

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maghanda ng “go bag” sa panahon ng kalamidad.

Ito ay sa gitna ng pagtalima sa National Disaster Resiliency Month ngayong Hulyo.

Ayon kay Maria Belinda Evangelista ng DOH Emergency Management Bureau, dapat magtagal ng tatlong araw ang laman ng emergency bag.


Aniya, ito ay upang matiyak na matutugunan ang pangangailangan ng isang tao sakaling hindi kaagad makarating ang tulong.

Kabilang sa dapat maging laman ng “go bag” ay ang: easy open can na delata, energy bars, tubig, first aid kit, flashlight, at batteries.

Dapat rin aniyang may nakahandang gamot tulad ng maintenance medicine.

Makakatulong din ang pagkakaroon ng hard hat bilang proteksyon sakaling tumama ang malakas na lindol.

Inihayag ni Evangelista, na nakita ang kahalagahan ng go bag noong tumama ang Bagyong Ondoy noong 2009.

Facebook Comments