Nagpaalala ang Department of Health o DOH sa publiko na kinakailangang sumangguni sa Barangay health worker o Barangay Health Emergency Response Teams ang naka-home quarantine na nakakaranans ng sintomas ng coronavirus disease o COVID-19.
Sa abiso ng DOH, magpakonsulta kung may sintomas ng COVID-19 habang naka-home quarantine kung saan kailangang maipadala sa Level 2 o 3 na ospital kapag nagsimula nang hingalin o nahirapan nang huminga ang isang indibidwal na hindi katulad ng sa normal maliban pa sa ibang sintomas.
Kasama din dito ang mga sintomas na mabilis na paghinga sa loob ng isang minuto, lagnat at iba pang sintomas kahit tapos na ang gamutan.
Ayon sa DOH kailangan nang ipaalam ito sa mga barangay health workets bago pumunta sa nararapat na health facility at kailangan d8n munang maabisuhan ang ospital na tatanggap sa pasyente. Ang mga nasabing hakbang ay para malaman at makuha ang kongkretong detalye ng isang indibidwal na may kaugnayan sa COVID-19.