Pulis na Suspek sa Panghoholdap sa Isang Gasolinahan sa Isabela, Patay sa Pamamaril!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang Police Lieutenant na sangkot kamakailan sa robbery hold up matapos na pagbabarilin sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Dakong alas 12:45 kaninang tanghali ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang biktimang si PLt/ Oliver Tolentino, 37 anyos, PNP Member (AWOL) at residente ng Brgy Cabaruan, Cauayan City.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Cauayan City, habang nakaupo si Tolentino sa harapan ng bahay ng kanyang kapatid nang biglang pumasok sa gate ang isang lalaki at pinagbabaril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang pulis gamit ang di pa matukoy na kalibre ng baril.


Matapos ang insidente, agad na tumakas ang salarin habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit at dragnet operation ng mga otoridad para sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng suspek.

Magugunita noong Marso 30, 2020 nang dakpin ng kapwa pulis si Plt Tolentino makaraang holdapin ang isang negosyante na nagmamay-ari ng gasolinahan sa bayan ng Reina Mercedes hanggang sa nakipaghabulan at nakipagbarilan sa mga pulis sa Lungsod ng Cauayan matapos itong subukang tumakas at umiwas sa quarantine checkpoint.

Nakapagpiyansa noon si Tolentino kaya’t pansamantala itong nakalaya.

Facebook Comments