Ikinokonsidera ng Department of Health (DOH) na lagyan ng validity ang vaccination card ng mga fully vaccinated individual.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inirekomenda na ng pribadong sektor at ilang miyembro ng Vaccine Expert Panel (VEP) na baguhin ang kahulugan ng fully vaccinated dahil sa mababang booster shot uptake.
Pero sa ngayon ay ikinukonsulta pa nila ito sa mga eksperto para mas mapagbuti pa ang booster vaccination.
Kasabay nito, muling iginiit ni Vergeire na nananatiling boluntaryo ang pagbabakuna sa Pilipinas matapos ang mga panukala na kailangan ng mga booster shot card sa mga establisyimento.
Sa ngayon, 12.3 million mula sa 44 million eligible individuals pa lamang ang nabigyan na ng booster shots.
Facebook Comments