Spoiled ballot na naibigay sa isang Pinoy sa Singapore, hindi pre-shaded ballot ayon sa Philippine Embassy

509

Pinabulaanan ng Philippine Embassy sa Singapore ang napaulat na may ilang overseas absentee voter doon ang nabigyan ng pre-shaded na balota.

Nilinaw ng embahada na isang botante ang nabigyan ng spoiled na balota at hindi ito intensyonal.

Nilinaw rin ng Philippine Embassy na isolated lamang ang naturang insidente at anila ay na-record na sa minutes of voting for automated election system.


Tiniyak din ng Embahada ng Pilipinas ang malinis na proseso ng pagdaraos ng overseas absentee voting doon.

Sa unang araw ng overseas absentee voting sa Singapore, 2,370 mga botante ang lumahok.

Patuloy namang hinihimok ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Singapore na i-exercise ang kanilang karapatan sa pagboto.



Facebook Comments