DOH, pinag-aaralan na ang pagtuturok ng second booster sa edad 50-59 taong gulang

Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na payagan na ang mga indibidwal edad 50 hanggang 59 taong gulang na maturukan ng second booster shot kontra COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nitong nakaraang linggo ay nagkaroon na sila ng pag-uusap sa mga eksperto at kanila ng pinag-aaralan ang nasabing usapin.

Sakaling irekomenda ng mga eksperto na isama ang age group sa pagtuturok ng ikalawang booster, sinabi ni Vergeire na dapat amyendahan ang emergency use authorization (EUA) na iniisyu ng Food and Drug Administration (FDA).


Sa kasalukuyan, tanging mga frontline healthcare worker, senior citizens at immunocompromised individuals ang kwalipikado para sa ikalawang booster shot.

Sa datos naman ng DOH, halos 100 immunocompromised na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang nabakunahan ng booster shot kasunod ng rollout ngayong linggo.

Facebook Comments