MAGKALAGUYO, TIMBOG SA POT-SESSION SA KALINGA

27
Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang dalawang magkalaguyo matapos maaktuhang nagsasagawa ng pot-session sa Barangay San Juan, Tabuk City, Kalinga noong umaga ng Hunyo 25, 2022.

Ang naarestong mister ay isang 30-taong gulan habang ang ‘lover’ nito ay nasa edad 28 taong gulang at residente ng brgy. Magsaysay.

Sa ulat ng Tabuk City Police, nag-ugat ang pagkakahuli ng magkalaguyo matapos magsumbong ang legal wife sa himpilan ng pulisya kaugnay sa umano’y pangangaliwa ng kanyang mister.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa barangay San Juan matapos matanggap ang naturang impormasyon.

Nang sila ay makarating sa lugar, nadatnan at huli sa akto ang dalawang magkalaguyo na bumabatak ng ilegal na droga.

Nahulihan ang dalawang suspek ng 12 plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance ng pinaghihinalaang shabu at may timbang na 5.00 grams na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P34,000.



Nakumpiska rin ng mga otoridad ang mga ginamit na drug paraphernalias.

Dinala sa Tabuk City Police Station ang dalawang nahuli para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments